Stocks
Ano ba talaga ang stocks?
Ano ba talaga ang stocks?
Ano ba talaga ang stocks?
Maraming kumpanya ay pag-aari ng hindi lang isa o dalawang tao. Madalas, sila ay pag-aari ng maraming tao.
Ang mga may-aring ito ay hati-hati sa kita at puhunan ng kanilang kumpanya. Ang tawag sa mga “hati” o share ng kumpanya nila ay stocks.
Kapag nag-invest o bumili ka ng stocks ng isang kumpanya, isa ka nang shareholder o part-owner ng kumpanyang iyon.
Ang pagbili at pagbenta ng stocks ay nangyayari sa stock market. Sa Pilipinas, ang Philippine Stock Exchange (PSE) ang namamahala sa pagbili at pagbenta ng stocks.
May dalawang paraan para kumita sa stocks.
Maaari kang tumubo o magka-profit kapag ibinenta mo sa mas mataas na halaga ang stock na binili mo noon. Ang disadvantage dito ay kailangan mong ibenta ang shares mo para magkaroon ng profit.
Ang dividends ay regular na ibinabahagi ng mga kumpanya sa kanilang shareholders. Ito ay maaaring cash o karagdagang shares ng kumpanya.
Hindi lahat ng kumpanya ay nagbabahagi ng dividends.
Bago mag-invest, mahalagang intindihin ang ilang key concepts tungkol sa pagbili at pagbenta ng stocks.
Araw-araw, minu-minuto nagbabago ang presyo ng stocks. Maraming factors ang nagdidikta ng pagtaas o pagbaba ng stock prices.
Ang good news ay kadalasang tumataas ang value ng stock sa loob ng maraming taon. Kaya don't worry kung bagsak ang stock mo ngayon dahil maaaring tumataas naman ito sa long-term.
Paminsan-minsan ay may losses kang makikita sa iyong stock portfolio. Pwedeng ito ay dahil sa takbo ng ekonomiya o dahil sa poor performance ng kumpanya. Parte ng pag-i-invest sa stocks ang posibilidad na magkaroon ng losses.
Ang best advice ng mga experts? I-invest lang ang perang hindi mo kakailanganin o gagamitin agad.
Kaya mong i-lessen ang risks sa stocks mo by investing sa iba't ibang kumpanya at iba't ibang industriya. Ang strategy na ito ay tinatawag na diversification.
Kapag diverse ang iyong portfolio, may potential na minimized ang losses mo kung sakaling magkaroon ng crisis sa isang sector ng market o sa isang kumpanya.
I-explore ang stock market at ang mga kumpanya at industriya na available sa iyo sa GStocks PH!
GCash is regulated by the Bangko Sentral ng Pilipinas https://www.bsp.gov.ph
For concerns, please reach us through any of the channels listed in the GCash Contact Us Page
W Global Center, Lane P Cor. 9th Avenue,
Bonifacio Global City, Taguig, Philippines