Learning Hub
3 min read

Paano Pumili ng Tamang Savings Accounts?

We’re here to save you from confusion.

3 min read

Paano Pumili ng Tamang Savings Accounts?

We’re here to save you from confusion.

Dati, ang pera sa ilalim ng kama tinatago. Tapos naging uso ang mga bank account. Fast-forward to present day, at ang dami na ng mga uri ng savings account.

Nakaka-overwhelm ang dami ng options, kaya nandito kami para tulungan ka mamili!

Bago pumili ng banko, alamin ang mga sumusunod:
Track record ng bank
Ano ang savings habit mo?
Dapat alam mo ang spending habits at goals mo.

Recommended for: First-time o tech-savvy depositors, at depositors na gusto kumita agad mula sa savings

Ang GSave sa GCash app ay isang feature kung saan makakapagbukas ka ng online savings account.

Pros
  • Mas mabilis lumago ang savings dahil sa higher interest rates
  • Walang minimum deposit, maintaining balance, at fees
  • Pwede i-manage ang accounts gamit ang cellphone o computer
  • Less requirements compared sa regular savings accounts
Cons
  • Walang physical na branch
  • Kailangan ng internet connection at device

Recommended for: Depositors, na prefer ang physical na bank branches, depositors na hindi nangangailangan ng mataas na interest rates

Ang ganitong uri ng account ay inooffer ng mga traditional na banko. Dahil may physical na branch ang mga ito, mas mataas ang operating expenses nila.

As a result, mas mababa ang interest rates nila kumpara sa digital banks. Strict din sila sa mga requirements.

Pros
  • Pwede pumunta sa bank branch para sa transaction o assistance
  • Pwede i-manage ang accounts gamit ang cellphone o computer
  • Pwede mag-withdraw sa mga ATM
Cons
  • Lower interest rates
  • Pwedeng makain ng fees at charges ang iyong interest earnings
  • Maraming requirements bago makapag-open ng account

Recommended for: Depositors na may specific #goals

Dahil special ang specialty savings accounts, may mga features ito para sa specific na needs. Halimbawa dito ang kids, OFWs, college funds, o property management.

May mga accounts na may low initial deposit, libreng insurance, o automated transfers.

Pros
  • Swak sa mga may specific na financial goals
  • May mga account na may special features
Cons
  • May mga account na strict sa withdrawal at deposit
  • Minsan, mababa ang interest rates
  • Limited sa specific na grupo, tulad ng OFWs, students, etc.

Recommended for: Depositors na hindi kailangan mag-withdraw kaagad

Mas mataas ang interest ng time deposit accounts. Ang kapalit naman nito ay ang lock-in period. Ibig sabihin, hindi mo pwede i-withdraw ang funds mo habang nasa lock-in period.

May penalty para sa mga early withdrawals, kaya siguraduhin mo na ang perang ilalagay sa time deposit ay pang-savings talaga.

Pros
  • Mas mataas ang interest rates kumpara sa ibang klaseng savings accounts
  • Pwede i-manage ang accounts gamit ang cellphone o computer
Cons
  • Karaniwan may dagdag na steps para mag-withdraw
  • May dagdag din na requirements din bago makapag-open ng account
  • May malaking penalty in case of early withdrawal
May natutunan ka? Share mo sa friends mo
Share
Page Link
This is some text inside of a div block.