Learning Hub
3 min read

Investments

Aling investment ang dapat mong piliin?

3 min read

Investments

Aling investment ang dapat mong piliin?

Types of Investments

Ngayong gets mo na ang basics ng investing, oras na pumili kung anong uri ng investment ang para sa ‘yo!

Isa-isahin natin ang tatlo sa pinaka-common na uri ng investments.

Bonds
Investment Funds
Stocks
Bonds? Ano ‘yun?

Sa bonds, pwede mong isipin na nagpahiram ka ng pera sa gobyerno o sa isang kumpanya.

Kapalit nito, makakatanggap ka ng regular at fixed interest payments.

Mayroong bonds galing sa gobyerno na tinatawag na Government Bonds.

Mayroong bonds galing sa pribadong kumpanya na tinatawag na Corporate Bonds.

Corporate Bonds
Nagi-issue ng corporate bonds ang mga private company para magkaroon ng capital.

Ito ay ginagawa ng mga kumpanyang nakarehistro sa SEC o Securities and Exchange Commission.

Moderate ang risk ng corporate bonds dahil depende ito sa maraming factors tulad ng performance ng kumpanya, at kalagayan ng ekonomiya ng bansa.
Government Bonds
Tulad ng corporate bonds, nagi-issue rin ang gobyerno ng bonds para mag-raise ng pondo.

Safe at low-risk ang government bonds ngunit karaniwang mababa ang interest ng mga ito.
Investment Funds? Ano ‘yun?

Sa investment funds, may professional fund manager na hahawak ng iyong pera. Sila ang bahala mag-aral at mag-invest para sa ‘yo.

Dahil nasa kamay ng isang expert ang iyong investment, ito ang recommended na uri ng investment para sa mga beginners at sa mga taong walang oras i-monitor at i-research ang mga nangyayari sa market.

Types
UITFs
Unit Investment Trust Funds
MFs
Mutual
Funds
ETFs
Exchange
Traded Funds
Regulated by
BSP
Bangko Sentral ng Pilipinas
SEC
Securities and Exchange Commission
PSE & SEC
Philippine Stock Exchange & Securities and Exchange Commission
Offered by
Banks
Asset Management Companies
Asset Management Companies
Stocks?
Ano ‘yun?

Ang stocks ay representation ng bahagi o “shares” ng isang tao sa isang company.

Ang mga shares na ito ay pwedeng bilhin o ibenta sa stock market.

Maaaring kumita sa stocks sa dalawang paraan.

Trading in the Stock Exchange
Buying & Selling
Ang pagbili ng stocks sa mababang halaga, at ang pagbenta nito sa mas mataas na halaga ay ang pangunahing paraan para kumita sa stock market.

Halimbawa, bumili ka ng 10 stock ng ABC Inc. sa halagang P50 kada isa. Sa susunod na taon, naging P100 ang price ng ABC Inc. Kapag ibinenta mo ang 10 shares mo, kikita ka ng P500.

Ang disadvantage dito ay kailangan mong ibenta ang shares mo para kumita.
Profits from business
Dividends
Kapag bumili ka ng stock ng isang kumpanya, isa ka nang shareholder o part-owner ng kumpanyang ito.

Dahil dito, mayroon kang share sa overall profits ng business. Ang share mo sa profit na ito ay ang dividends.

Maaaring magbahagi ng dividends ang mga kumpanya in the form of cash o karagdagang stocks.

Hindi lahat ng kumpanya ay nagbibigay ng dividends.
So, aling investment ang bagay sa ‘yo?
May pros at cons ang lahat ng uri ng investment.

Nakasalalay sa sarili mong preference kung saan mo ilalaan ang iyong pera.

Suriing mabuti ang tatlong klase ng investment at piliin ang option na best para sa ‘yo.

Bonds
Investment Funds
Stocks
Paano ka kikita?
Fixed interest
Depende sa performance ng napili mong fund
Stock price appreciation at dividends
Gaano kalaki
ang risk?
Government
Low
Corporate
Moderate
Moderate
High
Gaano katagal
ang investment?
Medium to long-term
Short to long-term
Long-term
May natutunan ka? Share mo sa friends mo
Share
Page Link
This is some text inside of a div block.