Learning Hub
3 min read

Financial Independence

Ano at paano maaachieve Ito?

3 min read

Financial Independence

Ano at paano maaachieve Ito?

Bakit importante sa akin ang financial independence?

Pag financially independent ka, ibig sabihin hindi ka na umaasa sa sweldo para ma-maintain ang lifestyle mo. May sapat na pera ka na para sa lahat ng mga wants and needs mo.

In other words, ikaw ang boss ng pera mo, at hindi kabaligtaran.

Para maging financially independent, kailangan big picture lagi ang view.

Bigger goals, bigger investment, bigger sacrifices—lahat 'yan ay parte ng daan tungo sa malaking tagumpay sa finance!

1
Financial Planning
Maging ready para sa 'yong future life goals!

Set a goal. Importante na alam mo kung saan mo ilalaan ang pera mo.

Manage your money - huwag maging gastador, maging savings-savvy! Emergency-Proof Your Finances.

Magtabi ng pera para sa mga hindi inaasahang financial plot twists.

Katulad nalang ng pagkakaroon ng sakit, pagkawala ng work or issue sa 'ting negosyo.

2
Budgeting
I-master ang money management.

Para maging financial MVP lagi lamang tandaan ang mga sumusunod:

  • Mag-allocate ng enough budget para sa mga na-ilista (grocery, rent, etc).
  • I-lista lahat ng gastusin o balak pag-gastusan.
  • Lastly, panindigan at isabuhay ang ganitong practice sa pag-bubudget.
Ang pagbubudget ay parang pag-direct ng movie.

Para matupad ang main character dream, dapat kontrolado mo ang mangyayari at may tamang budget allocation!

3
Savings
Mag-ipon at magtabi

You can do this sa paghuhulog sa bangko or sa savings option ng e-wallets mo kahit pakonti-konti.

With simple interest, ang 5,000php savings mo ay pwede madadagdagan ng onting reward over time, where it can be 5030php or even 5100php.

Sa pagtatago ng money mo sa bangko or e-wallets, nagbubunga ito through interest kaya naman naka-save ka na, nadagdagan pa ang ipon mo.

4
Investing
Money doesn't grow on trees (pero may paraan palaguin ito)

Ang investment ay ang paglalagay ng pera sa isang lugar kung saan inaasahang dadami ito. Hindi ito literal na lugar, syempre—ang mga assets tulad ng stocks, bonds, o real estate ay examples ng investments.

Ang investing ay hindi lang para sa mga mayayaman or mga negosyante!

Kung may extra kang pera na pwedeng itabi at hindi mo gagamitin sa immediate na pangangailangan, pwede ka nang magsimula!

Just like with GFunds, you can begin with P50 for budget-friendly investing.

Finally, pinaka-importanteng step:
Magsimula ngayon!
Simulan na natin ang mga hakbang papunta sa financial independence!

With GSave isang ID lang ang kailangan

May natutunan ka? Share mo sa friends mo
Share
Page Link
This is some text inside of a div block.