Learning Hub
2 min

Bakit magandang investment ang bonds?

2 min

Bakit magandang investment ang bonds?

Ang bonds ay isang klase ng “fixed-interest security” na pwede gamitin para palaguin ang pera mo. Madami ang benefits ng pag-invest sa bonds:

Mas Stable ang Kita: Ang bonds ay mas predictable kumpara sa ibang investments na mabilis magbago ang presyo. May fixed coupon rate o interest rate ka, kaya alam mo kung magkano ang kikitain mo.

Passive Income: Dahil may regular na coupon o interest payments ang bonds, parang may extra kang kita na hindi kailangan tutukan araw-araw.

Diversification: Ang bonds ay magandang pang balanse sa mas volatile na products o para mabawasan ang overall risk ng portfolio mo.

Beginner-Friendly: Kahit experienced ka na or beginner, pwede kang magsimula sa Retail Treasury Bonds ng gobyerno o corporate bonds galing sa malaking kumpanya.

Anong klaseng bonds ang pwede mong bilhin?
Maraming klaseng bonds na pwedeng pagpilian. Ang tamang bond para sa iyo ay depende sa risks na kaya mo akuin.


Ang iba’t ibang klaseng bonds ay:


Government Bonds: Ito ay issued ng gobyerno at isa sa safest na investments, dahil may backing ito ng gobyerno ng bansa.

Corporate Bonds: Ito ay issued ng mga kumpanya. Mas mataas ang interest rates kumpara sa government bonds, pero mas may risk nang kaunti at naka-depende sa stability ng kumpanya.

Retail Treasury Bonds (RTBs): Ito ay para sa regular na investors, at available sa mas mababang halaga at may fixed returns.

Subukan natin palaguin
ang pera mo gamit ng bonds!


May natutunan ka? Share mo sa friends mo
Share
Page Link
This is some text inside of a div block.