Learning Hub
3 min read

7 Investment Principles

Palaguin mo na ang pera mo!

3 min read

7 Investment Principles

Palaguin mo na ang pera mo!

Ano ang investing?

Before tayo pumunta sa 7 Investment Principles, kailangan muna natin alamin ano ang kahulugan ng investing. Ang investing ay iba sa savings.

Sa investing, bumibili ka ng assets o resources with the hope na lumaki ito.

Ang main goal ng investing ay financial independence —in other words, hindi ka na dependent sa regular income mo, dahil may sapat na pera ka na mula sa investments mo.

Pwede maging overwhelming ang investing sa mga beginners. Part talaga yan ng growth mo as an investor. Wag mag-alala, dahil nandito kami to help you get started!

Investment Principle
Kilalanin ang sarili.
1

Mahalaga na maging mindful sa iyong current financial situation dahil dito nakadepende ang iyong risk appetite. Depending on your finances, pwede ka maging:

Conservative Investor

Ang goal mo ay capital preservation o panatilihin lang ang iyong capital. Mas gusto mo ng less risky na investments dahil hindi ka comportable sa potential na lugi.

Moderate Investor

Ang goal mo ay medium- to long-term capital growth. Willing ka mag-take ng konting risk, at ang iyong portfolio ay maaaring mix ng risky at safe investments.

Aggressive Investor

Ang goal mo ay capital growth. Ikaw ay may sapat na experience at willing ka mag-take ng malaking risks kapalit ng mas malaking potential returns. Mayroon ka ring sapat na capital para ma-handle ang losses.

Investment Principle
Be committed sa long-term.
2

Hindi overnight lalaki ang investments mo, kaya patience is the key to growth.

Investment Principle
Accept that there are no absolutes.
3

Lahat ng investments ay may dalang risks at potential for losses. Always remember, laging nagbabago ang takbo ng investments, kaya dapat you should invest an amount that you are comfortable to set aside.

Investment Principle
Buy good quality investments.
4

Hindi lahat ng investments ay bagay sa iyong risk profile. Piliin ang good quality investments na bagay sa risk tolerance mo.

Investment Principle
Manage your risk.
5

Magagawa mo ito sa pamamagitan ng pagdi-diversify ng portfolio. Wag ilagay ang lahat ng pera sa isang uri ng investment lamang.

Investment Principle
Laging i-review ang portfolio.
6

Ang portfolio ay ang collection ng investments mo. Laging i-check kung maayos ang performance ng iyong investments and adjust accordingly.

Investment Principle
Be disciplined!
7

Kahit ano ang risk appetite mo, kailangan disciplined ang pagbili mo ng investments. 'Wag magpadala sa emosyon o FOMO. Laging mag-focus on long-term goals and invest regularly.

May natutunan ka? Share mo sa friends mo
Share
Page Link
This is some text inside of a div block.